Muling nag-ulat ng kanyang ika-6 at huling State of the
Nation Address si Pangulong Benigno “Pnoy” Aquino III noong Hulyo 27 sa
Batasang Pambansa sa Quezon City at inihayag ang mga napagtagumpayan ng kanyang
administrasyon nitong mga nakaraang taon ng kanyang pamumuno.
“Aking mga boss, ito ang storya ng ating lakbay tungo sa
tuwid na daan”, ito ang panimulang salitan ng pangulo bago niya sinimulang
ipaalala ang mga anumalyang naiwan ng nagdaang administrasyon na siyang
kinailangan nilang resolbahin.
Ipinagmalaki ni PNoy ang patuloy na tagumpay sa pagsugpo ng
mga corrupt sa kanyang “Daang Matuwid” na kampanya. Kanya ring inulit na “Kung
Walang Corrupt, Walang Mahirap” at ibinahagi ang pag-unlad at pag-angat ng
ekonomiya ng bansa.
Binigyan rin niya ng papuri si Commissioner Kim Hinares sa
patuloy na pag-imbistiga sa mga tax evaders sa bansa. 380 na kaso na an gang naisampa
at umabot na sa 1.3 trillion ang nakolektang pera.
Bumaba rin ang unemployment rate sa 6.8 % noong nakaraang
taon. Pinaka-mababa sa loob ng isang dekada
Iginiit rin ni Aquino na hindi sapat ang sampung taon na
pag-aaral at hindi rin ito dapat minamadali. Iminungkahi ng gobyerno ang P103.2
milyon para sa libro at P4.4 milyon para
sa upuan.
Mayroon ng 4.4 milyong benepisyaryo ang ‘Pantawid Pammilyang
Pilipino Program’ mula sa 786,523 noong 2010. Tuloy parin ang planong pagbili ng mga bagong bagon ng MRT
at ang pagsasaayos ng pasilidad nito
Sinabi rin ni PNoy na “Panahon na para ipasa ang isang
Anti-Dynasty Law” na nagging sanhi ng malakas na sigawan at palakpakan ng mga
panauhin. Hiniling din ng pangulo na maipasa na ang Bangsamoro Basic Law ng
kasalukuyang kongreso
Pinuri rin niya si Interior and Local Government Secretary
Mar Roxas at sinabing “Mar, pinatutunayan mo, you can’t put a good man down.” At
idinagdag na dapat ituloy ng susunod na administrasyon ang tuwid na daan.
Tumanggap ng 146 na palakpak ang pangulo galling sa mga
lawmakers at bisita. Itong ika-anim at ika-huling SONA ang pinaka-mahaba na
nagtagal ng dalawang oras at labinlimang minuto na nagsimula eksatong ika-apat
ng tanghali.