Thursday, July 16, 2015

Banggaan ng pribadong sasakyan at school bus sa EDSA Guadalupe, 1 malubhang nasaktan

Isang banggaan ng pribadong sasakyan at school bus ang naganap noong Hulyo 2, 2015, Huwebes, sa ganap na ika-4 ng hapon sa kahabaan ng EDSA Guadalupe. Agad na isinugod sa Ospital ng Makati ang mga biktima. Isa sa mga malubhang nasaktan ay si Cynthia Dela Cruz, 43, isang empleyado ng PLDT samantalang ang mga estudyanteng sakay ng bus ay nagtamo lamang ng minor injuries.

Ayon sa drayber ng bus, madulas raw ang daan na naging sanhi ng kanyang biglaang pag-preno. Sa pahayag na binigay ni Gng. Dela Cruz, nagkaroon ng problema ang preno ng kanyang sasakyan kaya hindi agad siya nakaiwas. Iginiit naman ng drayber na ito ay aksidente lamang sanhi ng mechanical error.

Patuloy parin ang pag-iimbestiga ni Police Station Chief, Sr. Insp. Elmerson Badilla kung mechanical error nga ba talaga ang sanhi ng aksidente. 

Nagbigay naman ng tulong pinansyal ang unibersidad na nagmamay-ari ng bus na nasangkot sa aksidente sa lahat ng nasaktan sa aksidente at nangakong aakuin ang lahat ng gastusin ng mga biktima. Patuloy parin ang pagpapa-alala ng mga pulis na bagalan lamang ang takbo lalo na kapag maulan ang panahon upang makaiwas sa kahit anong aksidente.

1 comment:

  1. Please refer to the inverted pyramid in writing news..

    Though there are some part that are well written but you still have to check on the proper way..

    Try to visit online news sites to give you an idea on how to write news online

    ReplyDelete