Wednesday, July 29, 2015

PNoy, nag-ulat ng kanyang ika-anim na SONA

Muling nag-ulat ng kanyang ika-6 at huling State of the Nation Address si Pangulong Benigno “Pnoy” Aquino III noong Hulyo 27 sa Batasang Pambansa sa Quezon City at inihayag ang mga napagtagumpayan ng kanyang administrasyon nitong mga nakaraang taon ng kanyang pamumuno.

“Aking mga boss, ito ang storya ng ating lakbay tungo sa tuwid na daan”, ito ang panimulang salitan ng pangulo bago niya sinimulang ipaalala ang mga anumalyang naiwan ng nagdaang administrasyon na siyang kinailangan nilang resolbahin.

Ipinagmalaki ni PNoy ang patuloy na tagumpay sa pagsugpo ng mga corrupt sa kanyang “Daang Matuwid” na kampanya. Kanya ring inulit na “Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap” at ibinahagi ang pag-unlad at pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Binigyan rin niya ng papuri si Commissioner Kim Hinares sa patuloy na pag-imbistiga sa mga tax evaders sa bansa. 380 na kaso na an gang naisampa at umabot na sa 1.3 trillion ang nakolektang pera.

Bumaba rin ang unemployment rate sa 6.8 % noong nakaraang taon. Pinaka-mababa sa loob ng isang dekada

Iginiit rin ni Aquino na hindi sapat ang sampung taon na pag-aaral at hindi rin ito dapat minamadali. Iminungkahi ng gobyerno ang P103.2 milyon para sa  libro at P4.4 milyon para sa upuan.

Mayroon ng 4.4 milyong benepisyaryo ang ‘Pantawid Pammilyang Pilipino Program’ mula sa 786,523 noong 2010. Tuloy parin ang planong pagbili ng mga bagong bagon ng MRT at ang pagsasaayos ng pasilidad nito

Sinabi rin ni PNoy na “Panahon na para ipasa ang isang Anti-Dynasty Law” na nagging sanhi ng malakas na sigawan at palakpakan ng mga panauhin. Hiniling din ng pangulo na maipasa na ang Bangsamoro Basic Law ng kasalukuyang kongreso

Pinuri rin niya si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at sinabing “Mar, pinatutunayan mo, you can’t put a good man down.” At idinagdag na dapat ituloy ng susunod na administrasyon ang tuwid na daan.

Tumanggap ng 146 na palakpak ang pangulo galling sa mga lawmakers at bisita. Itong ika-anim at ika-huling SONA ang pinaka-mahaba na nagtagal ng dalawang oras at labinlimang minuto na nagsimula eksatong ika-apat ng tanghali.

No comments:

Post a Comment